To my Ex (uyab)
It’s been 15 years… but I still want to say this in Visayan: “Kong asa ka man” 🥀
Sana masaya ka na ngayon. Akala ko noon, tayo na hanggang sa wakas — pero hindi pala. May mga oras pa rin na nami-miss kita, lalo na ‘yung mga alaala na tayong dalawa lang ang nakakaalam at mayroon.
Pasensya ka na, kasi minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko na hanapin o silipin ka. Kapag nakikita ko ang mga litrato mo, ramdam ko — alam ko — na parang napipilitan ka lang sa lahat ng naging desisyon mo. Siguro nga, sa huli, nagsisisi ka rin sa ginawa mong panloloko at panlilinlang sa akin.
Hindi ko alam kung napatawad na ba kita… kasi kahit lumipas na ang mahabang panahon, hindi ko pa rin makalimutan ang sakit. Parang kahapon lang lahat ng hirap at luha.
Nakita ko rin ang anak mong babae… at totoo nga, kamukhang-kamukha ka niya. Tama ang hinala ko noon — pinili mong manloko at lumayo kasi napagod ka na, nagsawa ka na sa pitong taong pinagsamahan natin.
Hay… ang buhay talaga. Naging mahirap at mabigat ang lahat para sa akin noon at hanggang ngayon. Pero pinili kong maging matatag. Pinili kong tumayo at ituloy ang buhay, kahit ikaw ang iniwan at sumira ng lahat ng pinangarap nating dalawa.
15 years na… pero ang mga alaala at ang sakit, nandito pa rin. 🤍