đIsang Mahigpit na Yakap at Pasasalamat sa Ating Safe Space
My Safe Space: Rayover Hindi ko alam kung paano sisimulan, pero hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na panaginip lang ang lahat. Na paggising ko sa 21, nandiyan pa rin ang Rayover. Kakayanin naman kahit walang points, basta huwag lang mawala ang nag-iisang platform na naging kanlungan nating lahat. Para sa akin, at alam kong para sa marami sa atin dito, hindi lang basta app ang Rayover. Ito ang unang platform para sa lahat ng kababaihan na binuo para mag-uplift, hindi para mag-condemn o manghusga. Dito, nahanap ko ang tapang na ipakita ang tunay na ako nang walang takot na mapulaan. Sa likod ng anonymity, malaya kong naibabahagi ang mga pinakamalalim kong iniisip. At sa bawat pag-scroll, pinaramdam ng app na ito na hindi ako nag-iisa sa mga pinagdadaanan ko, kahit pa hindi ko kayo personal na kilala. Rayover literally saved me. đ Sa mga founders at creators, sana malaman ninyo kung gaano kalaki ang naging impact ninyo sa buhay ko at sa pamilya ko. Ang reward na natanggap ko rito ay nagamit ko para i-treat ang sarili ko sa masarap na pagkainânang walang guilt, dahil alam kong pinaghirapan ko ito sa pamamagitan lang ng pagiging totoo sa sarili ko. Walang maskara. Walang pagkukunwari. Sobrang grateful din ako sa napakagandang komunidad na ito. Sa mga members na laging handang magbahagi ng kanilang point of view na nagbigay sa akin ng liwanag sa mga madidilim na araw. Kayo ang nagpapasaya ng araw koâyung mga biglaang takam sa hatinggabi, mga parehong cravings, at ang walang sawang pagpapadala ng points. Napakaraming mabubuting puso rito. Kaya ngayon, buong puso akong nagdarasal para sa isang himala. đ Umaasa ako na may isang mapagpalang tao na may mabuting puso ang makakakita sa halaga ng platform na ito at magpopondo rito para magpatuloy. Sana may solusyon pa. Hindi pa ako handang magpaalam sa pamilyang nahanap ko rito. đ¤â¨ #Rayover #SafeSpace #SaveRayover #WomenSupportingWomen #MiracleForRayover