Few days left...
Sobrang nalulungkot ako na hanggang July 20 nalang tayo dito. 😞 Sana prank lang 'to. Sobrang nilu-look forward ko mag-post dito kasi no judgement sa posts kahit gaano pa ka-random. You get to interact with a lot of strangers with different stories to tell, and different reasons kung bakit nandito. Kinekwento ko nga 'to sa fiancé ko eh, na meron kakong platform na puro babae lang. Sabi ko pa sa kanya, enjoy ako mag-post dito, bonus nalang din yung may maiipon na points para sa vouchers. I even joked na sagot ko na pang-date namin kapag nakaipon ako ng enough points. Haha. Kaso mukhang hindi na aabot. 🥲 Sana in time kung hindi man bumalik ang Rayover, magkaroon pa sana ng mas maraming platform na kagaya nito sa future. A safe space for every woman. Thank you, Rayover. Salamat sa pagsama sa araw-araw kahit sa maigsing panahon. 🥹