"ang chill mo"
madalas ko to marinig from my colleagues at work. kahit gaano raw ka stressful o nagkakagulo ang office sa mga urgent tasks, and "chill" ko daw. parang lagi daw akong naka zen mode. pero di nila alam na it is a choice that i'm making every single day. i also have my fair share of problems and struggles. pero i choose not to bring that to the office nor let it affect my work. hindi madali kasi wala naman tayong switch to turn off or on our emotions. marami rin akong demons na kinakaharap and voices inside my head that i fight to make it through the day. na te-tense din ako sa walang katapusang urgent deliverables. may mga problema din akong tahimik na pinagdadaanan. and, i don't regret my choice. being "chill" is my way of protecting what's left of my peace and setting healthy boundaries. hindi mo naman kasi kailangan i-share yung buhay mo sa trabaho, and trust me there's wisdom in keeping a clear line between work and personal life. minsan kasi imbes na makatulong, mas lumalala or nadadagdagan pa yung problema pag dinadala natin sa opisina. lalo na di mo alam kung sino talaga ang mapagkakatiwalaan ng kwento ng buhay mo. kaya choose your people. yung mga taong makakausap at mapagkakatiwalaan mo talaga outside of work. ika nga nila be with your tibe. subukan mo rin maging "chill" sa trabaho paminsan-minsan. di mo kailangan ikwento lahat at hindi sa lahat ng bagay kailangan mong magbigay ng opinyon. mas maigi maging neutral lang para maiwasan mga misunderstanding at divisions sa office. dami na nga nating problema, dadagdagan pa ba natin? so choose to be chill next time. skl random thoughts ko about work life stuff. chill ka lang, balitaan mo ko how things went! :) salamat ulit sa pakikinig (pagbabasa) <3
- work
- life
- adulting