Valid ba na mahurt ako?
Mahilig ako manood at mag-mine sa TikTok Live. Napadpad ako sa isang seller na mabilis mag-flex, which I like. Mura pa yung mga binebenta niyang damit at magaganda rin. Ang rule nila para sa new miner is 5 pcs lang, tapos ikaw ang magbibilang ng mga na-mine mo. Nakapag-mine na ako ng 5 tops. Iche-checkout ko na sana, pero gusto ko lang mag-make sure kaya nagtanong ako, “Naka-5 na po ako, no?” (Hindi ko na maalala yung exact words, pero ganyan yung thought.) Susundan ko pa sana ng “Check out na po ako.” Ang reply ng seller, “Nagbasa ba ng rules? Di mo binibilang yung na-mine mo? I-cancel na lang ’yan,” tapos minention niya yung isang miner para ibigay yung huling item na na-mine ko. Imbes na sabihin kong iche-checkout ko na, nag-sorry na lang ako kasi gusto ko lang naman mag-make sure kung tama yung bilang ko. Hindi ko rin alam kung lahat ba ng na-mine ko ang pinapa-cancel niya o yung huling item lang, kaya nagtanong ulit ako, “Lahat po?” Tapos sinabi niya na kasalanan niya rin daw kasi dapat tinagalog na lang niya yung rules na nakalagay. Dagdag pa niya, “Nagmamine nang nagmamine, hindi naman nagbabasa ng rules.” Na-hurt ako kasi masaya pa naman ako sa mga na-mine ko sa shop niya. Genuine lang naman yung tanong ko. Gusto ko lang makasigurado. Kahit hindi niya ako sinagot, iche-checkout ko naman talaga yung 5 items kasi yun din naman ang bilang ko. Hindi rin naman niya sinabi na i-cancel lahat ng items. Since ibinigay niya lang sa ibang miner yung huling item na na-mine ko, yung natitirang 4 items na lang ang chineckout ko.