Same clothes, different version of me.
Ginawa ko 'tong circle na 'to para ma-document ang weight loss journey ko at magkaroon din ng support system kasama ang mga taong may parehong goal. 🤍 Kung matagal ka na sa Rayover at naka-follow ka sa'kin baka nakita mo na before yung lunch series at meal prep posts ko. Hehe. Sobrang busy lang talaga nitong mga nakaraang linggo kaya hindi na ako masyadong nakakapag-post. Isa sa mga pinakamalaking natutunan ko sa journey na 'to is that there's no shortcut. Kailangan lang talaga ng patience at consistency. Minsan parang ang bagal ng progress pero every healthy choice you make counts. Para sa'kin, mindset talaga ang pinakaunang binabago. Kapag gusto mong pumayat at maging healthy, hindi sapat na motivated ka lang sa umpisa. Mas importante yung discipline at consistency kahit may mga araw na tinatamad ka, nagka-cravings ka, o feeling mo wala kang progress. Kaya ginawa ko rin itong circle para maging safe space natin. Dito pwede tayong mag-share ng meal ideas, workouts, victories, struggles, progress photos, calorie tips, at kahit simpleng motivation lang. Walang judgment dito puro support lang. Let's reach our goals together. Hindi kailangan maging perfect, ang importante tuloy-tuloy lang. One step, one meal, and one day at a time.