Free Talk
Paano ba?
Paano ba dapat mag react kapag nabasa mo ang convo ng asawa mo sa isang katrabaho na malambing, may heart at flying kiss emojis, may update sila sa isa't isa kung nakauwi na sila, yung 'bhe' ang tawag niya? Walang ilabyuhan at imissyou. Pero kasi, sa akin na asawa niya, hindi niya ginagawa yung mga un. Kahit araw araw bago umalis, nagbibilin ako na paki message na lang ako kung nakarating na siya sa trabaho o kung pauwi na. Sabi niya, kaibigan daw ang turing niya dun sa girl at mahal na mahal daw niya ako at hindi siya naghahanap ng kapalit ko. Wala daw siyang ibang ibig sabihin dun sa mga nabanggit ko. Pero hindi ba dapat, iniisip niya kung ano ang mararamdaman ko sa ganung pagtrato niya sa ibang babae?
Viewed by 5 people
Comments 2
No comments yet.
Be the first to share your thoughts.