HINDI KASI AKO INAYA
Hello girlies, I am ranting lang here and asking if tama ba 'tong na fi-feel ko cuz I'm planning to break up with him bcs of this reason. It happened a lot of times na kasi and feel ko hindi ako kasam sa plan or prio. Nov last yr naging kami, lumaki siya sa manda but something happened kaya nalipat silang fam niya sa taytay. Then nung Christmas nagpunta siya sa manda to celeb with his friends nd kababata since nasa routine na nila every Christmas. It's fine naman with me pero I expected na san ayain niya ako pero he didn't. I had plans din naman pero willing ako samahan siya to meet his circle ganon and syempre curious din ako e (boys nd girls kasi circle niya hehe). Kaya nagkaroon ng tampuhan kasi sabi ko 'di man lang me inaya or kahi nag tanong man lang if want ko sumama. Then fast forward pinuntahan ko nalang yung circle ko and may usapan kami na mga 3 or 4am habol siya samin since 10 or 11 naman nandon na siya sa mga friends niya. Pumayag na me kahit 'di kami magkasama sumalubong ng pasko. Then ayon inabot na ng 6am wala pa din nag enjoy ng inom e tsaka bonding daw. Yun na nga eksena sumunod 8am na pero syempre tapos na wala na lahat. Second time nung New year want niya ulit don pero hindi tumuloy para hindi na daw ako magtampo at baka may masabi na naman daw ako. Alam mo yung feeling na nandon siya kasama ko pero ramdam kong bored siya at hindi man lang makipag halubilo. Partida kasi ka-close din niya mga circle ko since same dance group kami. Third is dumalaw siya sa dating kagrupo niyana lumaban ng dance contest, may prac kami non pero 'di siya nagprac bali ako lang nag-practice. Siya nanood ng dance contest, hindi man lang ako inaya pero wala pinakalma ko lang sarili ko. Iniisip ko baka ang oa ko lang at maliit na bagay if di ako ayain. Forth yung ngayon, bibisita sa dating group niya ulit. Nagpaalam sakin pupunta daw sila ng tropa niya. Kilala ko naman kasama niya since dalawa silang lumipat sa team namin. Ang ineexpect ko lang na ayain man lang niya ako like i-include sa plans niya pero wala. Idk ilang beses ko naman ng naopen sa kanya na gusto ko lang ma-feel na included ako sa plans niya. Pero it's always sorry bigla bigla kasi ako nagdedecide without thinking. Pero matik namn daw isasama niya ako. Sabi ko nalang na hindi ko naman nakita name ko na included ako hindi pwedeng matik nalang yon. Kasi nachat nga niya yung tropa niya e. Inaya na nga niya tapos nakapagpaalam din siya sakin na aalis sila. Pero ako 'di maaya or ma-include sa plans niya. Can someone tell me how can I regulate this emotions of mine. :(((