RESUME, WORK, INTERVIEW
incoming 4th year BSIT student po ako and gusto ko sana mag-apply sa office jobs like encoder, admin assistant, or any entry-level office work. online class lang po ako (6–9 PM) and 5 subjects lang this sem, kaya gusto ko talaga mag-work. ang problem ko po, gusto kong maging honest sa HR na student pa ako, pero sabi ng friends ko baka hindi raw ako matanggap at mas okay daw na sabihin na nag-stop ako. kaso paano ko naman mapapanindigan yun? what if hingan ako ng TOR or ibang school documents? kung SHS graduate naman ang ilalagay kong highest educational attainment, baka ma-question naman kung bakit ang laki ng gap. wala rin po akong work experience kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang tamang ilagay sa resume—SHS graduate ba o 4th year college undergraduate? totoo rin po bang may difference ang salary offer depende sa educational attainment kahit entry-level position? any advice po from HRs, recruiters, or anyone na may same experience? thank you so much! 🤍