Free Talk

Fixie

I saw a post here and it says that "distance doesn't define love" which is real. Naalala ko tuloy yung boyfriend ko and he's my first LDR boyfriend. Actually, ayoko talaga ng LDR dati kase mahirap. Ako kase yung type ng tao na gusto kong nakikita at nararamdaman ko physically ang isang tao pero nagbago yun nung nakilala ko sya. He's from Pasig and I'm from Malabon naman. Sa buong buhay ko, hinding hindi ko makakalimutan kung paano nya ako minahal at patuloy na minamahal. Hindi naging hadlang ang distance samin dahil sobrang effort nyang tao. Sya yung taong "if he wanted to, he would". Parehas kase kaming broke pero kahit na ganon ang sitwasyon, nararamdaman kong gusto nyang ibigay lahat ng gusto ko sa akin. Isa sa pinakahindi ko makakalimutan at sure akong ikukwento ko sa future babies namin ay yung nag effort pa syang bumili ng parts ng bike at inassemble yun kaya sya nagkaroon ng fixie bike. Yung perang ginastos nya para ron ay dapat na ipapanglisensya nya pero sabi nya na kaya nya inuna yung bike dahil gusto nya akong makita, wala pa kasi syang motor. Nung mabuo nya yung bike nya, hindi sya nag alinlangang magbike from Pasig to Malabon gamit lang ang fixie. Bukod pa ron ay hindi nya kabisado ang lugar papunta rito dahil never pa naman syang napadpad dito sa Malabon. Ang pinakaworst pa nga ay nalowbat pa sya nung pauwi na at nagkanda ligaw ligaw pa nung pauwi na sya. Laking pasasalamat ko sa diyos dahil hindi sya pinabayaan. Sobrang saya ko nung araw na yon. Ang sarap magmahal ng taong mahal na mahal ka.

  • LDR
  • greenflag
Viewed by 3 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.