Have you seen this video that's been trending on TikTok?
Ang sakit makita na may batang pinagtatawanan at tinatawag na "Dumbo" dahil lang sa itsura niya. Hindi natin alam kung ilang beses na niyang tinanong ang sarili niya kung may mali ba sa kanya. Hindi natin alam kung ilang beses na siyang umiwas sa salamin, nawalan ng confidence, o natakot pumasok sa school dahil baka pagtawanan na naman siya. School should be a safe place where every child feels accepted, respected at valued hindi lugar kung saan kailangan nilang matakot dahil sa panghuhusga ng iba. Words have power. Pwedeng isang compliment ang magbigay ng confidence sa isang tao, pero pwede ring isang panglalait ang hindi niya makalimutan kahit lumipas pa ang maraming taon. Kaya sana, turuan natin ang mga bata na maging mabuti hindi mapanghusga. Na mas mahalaga ang respeto kaysa pagiging "nakakatawa." Dahil walang batang dapat lumaking iniisip na hindi siya sapat dahil lang sa mga salitang binitawan ng ibang tao. Stop bullying. Stop body shaming. Start choosing kindness and respect. 🧡 #RayoverTalk