His Mistake, My Nightmare
Naranasan nyo na ba na hindi naman ikaw ang may kasalanan o ginawan ng kasalanan pero parang ikaw ang pinarurusahan? đ Before we ever met, my husband made a huge mistake. Most unfortunately, na reveal lang nung 7 months pregnant na ko sa panganay namin. These days, kahit ilang taon na yung lumipas pagkatapos kong malaman, parang ako ang pinarurusahan. May mga gabing ang sarap ng tulog nya, habang ako hirap na hirap matulog dahil napapraning ko. May mga gabing bigla bigla na lang akong nagigising hanggang sa di na makatulog ulit. May mga araw na naaalala ko kung pano nagkaalaman. Naaalala ko yung eksaktong pakiramdam na parang di ako makahinga, na parang gustong umiyak at magwala, pero buntis ako nun. Bawal ang stress. 7 months - baka biglang mapaanak. Naaalala ko minsan yung mga boses. Yung lahat ng hirap pagkatapos ng gabing yun. Minsan kinukwestyon ko ang sarili ko. Worth it ba na nanatili ako? Mabuting asawa at ama naman sya. Pero yung kasalanan nya nung panahong di ko pa sya kilala, minsan ay bangungot ko at bigat na dala dala.