QKasal muna bago magsama? O Live-in muna bago ikasal? 💍🏠
Isa ito sa mga tanong na madalas nating marinig o pagtalunan, pero ngayong araw, gusto ko itong buksan bilang isang LIGTAS AT WALANG HUSGAHANG USAPAN. Walang tama, walang mali. Gusto ko sanang marinig ang inyong saloobin o personal na pananaw ukol dito. Hiling ko lang po: opinyon lang at walang awayan. Hindi natin kailangang magtalo o magpataasan ng ihi. Bakit natin ito pinag-uusapan? Ang layunin po nito ay para magbigay ng gabay, aral, at perspektibo sa mga kabataan ngayon. Gusto nating makita nila ang mga pros and cons ng bawat desisyon upang mas mapag-isipan nilang mabuti ang landas na kanilang tatahakin sa hinaharap. Ano ang pananaw mo rito batay sa iyong karanasan o prinsipyo sa buhay? I-share mo naman sa comment section sa ibaba nang may paggalang sa opinyon ng iba. 👇✨ #UsapangRelasyon #GabaySaKabataan #NoJudgment #OpenDiscussion