“Ang Sakit Kapag Ikaw ang Pinili, Pero Parang Mag-isa Kapari
Pa-rant lang… I need someone who will listen, not judge. 🤍 I want to ask… bakit may mga taong mahilig manghusga kahit hindi naman nila alam buong kwento? Bakit minsan sila pa yung sobrang nakikialam sa buhay ng iba? Minsan may away kami ng partner ko, tapos may mga taong gusto pang sumali lalo na sa side ng pamilya niya. Ang hirap kasi may mga salita silang binitawan na hanggang ngayon dala-dala ko pa rin. Simula pa lang, ramdam ko na hindi ako tanggap. Noong first baby ko, may mga nasabi silang nakasakit sa akin. Pero nung dumating na ang baby, parang iba na ang trato. Ang sakit lang kasi nung panahon na kailangan ko ng suporta at pang-unawa, parang wala naman sila. Sa second baby, may mga narinig na naman akong masasakit na hinala at salita. Alam ko naman hindi ako ang gusto nila, lalo na kapag may mga pagkakataon na parang ikinukumpara pa rin ako sa nakaraan. Pero ang mas masakit, ako yung pinili niya pero minsan pakiramdam ko kailangan ko pa ring lumaban mag-isa. Hindi ko naman hinihingi na kalabanin niya pamilya niya. Ang gusto ko lang sana, maramdaman na may kakampi ako. Sensitive ako sa salita, oo. Pero tao lang din ako. Nasasaktan din ako. Bakit parang ang unfair minsan? 💔 #Life #RealTalk #MomLife