Mangan tamu! Tamales from Pampanga.
Minindal tana! After work, nag-withdraw ako bago umuwi. Sa harap ng banko may Tatay na nagbebenta ng Tamales. Wala naman akong planong bumili since diet ako. Haha. Pero ang ganda ng ngiti ni Tatay.. kahit walang bumibili sa kanya at dinadaan-daanan lang siya. Pagkatapos kong mag-withdraw, lumapit ako sa kanya at tinanong kung ano binebenta niya. Tamales or "Bobotu" in Kapampangan. Hindi ako taga-Pampanga pero yung Darling ko ay Kapampangan. 🤣 Sobrang curious ko ano lasa ng Tamales - a savory delicacy from Pampanga, at mukhang ang bait din ni Tatay kaya kahit wala akong intensyon bumili, napabili na rin ako. 100 isa, 200 tatlo. Isa lang bibilhin ko pero napatatlo na ako, may pa-freebie pa na suman. Galing mag-convince nung ngiti ni Tatay. Sabi pa niya, "Manyaman ini", which means "This is delicious". 😊 Gave him additional 50 pesos na rin. He smiled and thanked me. 🥹🥹🥹 Dati nung bata ako kapag may nadadaanan akong mga nagbebenta sa kalsada, ini-ignore ko lang. Pero ngayong matanda na ako at kumikita na ng sarili kong pera, kung ano makakaya ko, bumibili ako ng mga binebenta nila. Hindi dahil naaawa ako, kundi naiintindihan ko kung gaano kahirap kumita ng pera, at mamuhay nang maluwag lalo na sa bansang ito. Sa bansa kung saan ang buwis ay napupunta lamang sa bulsa ng mga gahaman at ang mga mahihirap ay lalong nasasadlak sa lusak. Dalangin ko lang sa Panginoon na lalo niya pa akong pagpalain. Na sana balang araw mas marami pa akong mga taong matulungan at ma-bless. At sana sa susunod, hindi lang tatlong tamales ang mabibili ko kay Tatay, pati sa mga kagaya niyang lumalaban nang patas sa buhay. Mangan tamu. Manyaman ini. 🩵