Free Talk

Nasan ka na ngayun sa VA Journey mo?

Minsan naiisip ko kung nasaan na ba talaga tayo sa VA journey natin. Ang daming phases nito na hindi natin agad napapansin habang nandun tayo. May days na motivated tayo, klaro goals, ready mag-build ng portfolio at mag-apply. Pero meron din days na mabigat. Yung hindi ka sure kung tama ba yung ginagawa mo. May konting takot mag-apply kasi baka hindi pa ready. May hesitation ipakita yung work kasi feeling hindi pa enough. May confusion kung anong niche ba talaga ang babagay. Normal lang yun. Part siya ng process. Kaya gusto ko lang din maging safe space ito for everyone here. Kung nasaan ka man ngayon sa VA journey mo, okay lang yun. Baka nagsisimula pa lang at inaayos ang portfolio. Baka nag-aapply na pero naghihintay pa rin ng first opportunity. Baka nag-eexplore pa ng direction. Pwede kang mag-share kung nasaan ka ngayon, kahit simple lang. Makikinig ako. Drop mo sa comment.

Viewed by 2 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.