Free Talk

valid ba na naiirita ako? pls help

nakakainis talaga yung mga taong kapag kakain sa labas, pagdating ng order parang may paunahan agad sa pagpili ng pagkain. yung tipong obvious na gusto nilang mauna para makuha yung mas malaking serving o mas maraming/malaking ulam. tapos may pa-"akin 'to ah" o "sige, eto sakin" pa? honestly, ganyan yung isang circle of friends ko kaya minsan tinatamad na talaga akong sumama kapag may ayaan 🥲 kasi nawawalan ako ng gana kapag parang kailangan pang makipag-agawan sa pagkain. ewan ko ha, pero para sakin basic courtesy na rin yung maging considerate at isipin na kakain naman tayong lahat. valid ba na naiinis ako sa kanila dahil ganito sila pagdating sa food? naiirita talaga ako HAHAHA mali ba ko?

Viewed by 7 people
Comment 1
No comments yet. Be the first to share your thoughts.