Free Talk

Usapang work kapag may menstrual problem

Hello po! Can anyone suggest a work or company na WFH at pwede sa nag take ng educ course? For so many years kahit anong inom ko ng gamot struggle ko pa din ang pananakit ng puson every "week" of the month. Naaayos yung monthly cycle ko pero hindi ang sobra sobrang pananakit ng puson ko. Sobrang hirap mag-work kase palagi akong humihingi ng leave at umaabsent tuwing magkakaroon na ko or 2-3rd day ng period ko dahil parang magco-collapse ako kapag biglang severe yung pain. May time na napagsabihan pa ako nuon ng boss ko na hindi dapat ganun na magli-leave or absent ako. May point naman kase work nga kaya lang bilang kapwa babae sana nauunawaan niya na may mga ganitong cases talaga na severe yung pain during menstruation. Dahil dyan naapektuhan ang pagta-trabaho ko. Madalas nafo-force akong mag resign dahil sa monthly may absent ako. Gusto ko makahanap ng work na pwede kong gawin sa bahay at okay ang salary. Currently nakaka earn ako ng money as freelance tutor and assistant. Hawak ko naman ang oras ko pero dahil need ko pa din lumabas apektado pa din kung may kikitain ako o wala kapag umaarangkada na yung cramps ko.

Viewed by 7 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.