lf psychiatrist or psychologist hahaha
Kidding aside, since ayoko mag self diagnosis kayo rin ba naranasan nyo na yung sobrang dami nyong iniisip to the point na hindi na kayo makahinga? Nangyari kasi sya sakin. Hindi naman bago sakin yung maraming iniisip tapos parang nag pa-panic na yung utak ko inside pero kalma lang mga galaw ko and normal lang huhu. Simula bata ako ganon pero hindi madalas (buti nalang). Ang random kasi bigla ng mga naiisip ko, feel ko magiging loner ako ayoko ma-abandoned. Sabay pa yung anong gagawin ko ngayon na mag ggap year ako. Nakabukod kasi kami ng mga nakakatanda kong kapatid sa pamilya namin tapos yung kapatid ko na close ko nagbakasyon dito at for the first time hindi sa pagiging ma drama na feel ko na may kasama na talaga ako. Hindi ko sila na mi-miss pero iba yung feeling ko pag kasama ko sila mama at iba ko pa na kapatid sobrang saya sa loob ko. Mula nung nawala yung contact ko sa friend ko at sa school mates ko nung bakasyon (at sa iba pang friends) wala na talaga akong makausap, yung bf ko lang. Balik eskwela na yung kapatid ko kaya wala na ulit ako makakasama at makukulit dito, kaya natatakot ako di ko alam pano ulit mag uumpisa na mag-isa. Ganyan lang ka simple na scenario yung iniisip ko kahapon hanggang mawalan ng gana kumain, tinatamad kumilos, hindi makahinga maayos tapos hindi ako makatulog di ko alam ano nangyayari sakin pero humihingi talaga ng tulong yung utak ko. Kanina pinipilit ko sarili ko na kumilos kahit mag walis lang, nag cokd bath din ako para ma refresh at kinausap ko yung bf ko about don, ngayon gumagaan na yung pakiramdam ko. :)))
- mentalhealth
- sharekolang