IMG_9534.HEIC
IMG_9535.HEIC
1/2
Real Review

Ceburrito @ Cebu

Libre lang talaga dapat to kase end-of-month food voucher namin... eto yung mga na order nmn: Nachos Beef Steak Burrito Bowl Pinecasil drink Yung nachos yung bet ko. Hindi ko alam anong chips gamit nila pero ang gaan ng crunch at hindi nakakaumay. Tapos yung cheese? Hindi yung watery type makapal at creamy kaya kumakapit talaga sa bawat chip. Yung Burrito Bowl, masarap naman yung lasa kaso medyo bitin sa meat. the more you eat medyo nagiging dry siya kasi wala ring extra sauce na kasama para ma-balance yung rice at toppings. Feeling ko mas masarap sana kung may konting sauce on the side. Tapos eto yung hindi ko expected yung pinecasil na drink. Akala ko kung anong flavor, pineapple cucumber basil ewan basta ganon. 😭 Refreshing naman siya at first sip, pero medyo matapang yung basil aftertaste. Yung tipong kahit tapos ka na uminom at napa-burp ka, basil pa rin yung bumabati sayo. 🌿😂 Overall, hindi ko siguro siya hahanapin araw-araw, pero for a free meal after a long work month? Wala akong reklamo. Minsan mas masarap talaga yung pagkain kapag libre. 🫶✨

  1. Ceburrito

    Not bad
  • food
Viewed by 16 people
Comments 9
No comments yet. Be the first to share your thoughts.