FAKE NAMAN YAN E
hanggang ngayon, tanda ko pa rin to. nung elementary ako, sobrang saya ko nung binilhan ako ni mama ng bagong shoes. aware naman akong class A siya kasi hindi pa kaya ng budget namin noon, pero wala naman akong pake. galing yun kay mama, kaya sobrang saya ko. excited pa akong ipakita sa classmates ko, pero may nagsabi lang ng, "fake naman yan e." bigla akong nahiya. pero hindi ko na lang sinabi kay mama, kasi alam kong pinaghirapan niya rin yun. siguro dun nagsimula yung hobby ko sa pag-appreciate at pagco-collect ng shoes. 👟🤍 ngayon, i have 6 pairs na and the pair i'm wearing in this photo is actually my first original pair. 🥹 sobrang matutuwa siguro yung batang ako kung makikita niya kung nasaan na kami ngayon. #RayoverPhotoChallenge