🎾                             _#PickleballLifestyle _#PickleballHighlights _#Picklebal.jpg
Free Talk

Why Pickleball Means So Much to Me

Lately, sobrang nahilig na talaga ako sa pickleball dahil na rin sa mga kaibigan ko na nag-introduce sa akin nito. Hindi ko akalaing mae-enjoy ko siya nang ganito. Bukod sa pagiging masaya at magandang way para maging active, malaking tulong din siya sa mental health ko. Sa tuwing naglalaro ako, nakakalimutan ko kahit papaano ang stress at mga iniisip ko at mas gumagaan ang pakiramdam ko. Mas naging espesyal pa ang hobby na to para sa akin dahil ang paddle na gamit ko ay may malaking sentimental value. Regalo to ng father ko bago siya mamatay. Kaya sa bawat laro, sa bawat hawak ko sa paddle na to, pakiramdam ko kasama ko pa rin siya. Para bang may parte niya na patuloy na sumusuporta at nagbibigay sa akin ng lakas. Kaya sa tuwing nasa court ako, hindi lang ako naglalaro ng pickleball. Nagkakaroon din ako ng pagkakataong alalahanin ang father ko at maramdaman na kahit wala na siya, dala-dala ko pa rin ang kanyang presensya sa bawat laban at bawat tagumpay. #RayoverPhotoChallenge

Viewed by 9 people
Comment 1
No comments yet. Be the first to share your thoughts.