Free Talk

Share Ko Lang ... NEED KO LANG MAG VENT

Dba ang magkaibigan mag tulongan kahit anong hirap at pagod sa buhay. Kung ni isa sa inyo walang wala kayo, handa kayong tumulong para lang maiahon siya. Ang swerte nu kapag nakatagpo ka ng ganun na kaibigan. Ako guys wala akong kaibigan na super close kasi natrauma na ako noong last friendship ko as in (mag share ako about nyan soon) pero nung nag take ako ng first BE ko nakatagpo ako ng kaibigan na tinulongan ko siya kahit hirap siya, nag tulongan kami sa isa't isa. Fast forward,, nung time na malapit na aming BE, bigla siyang nag talk sa akin na what if daw hindi cya papasa sa BE, sabi ko "PAPASA KA NYAN GURL ! kinaya natin ehh be positive lang at mag pray tayo". Tas bigla siyang nagsabi na "KUNG DI AKO PAPASA, DI NA TALAGA AKO MAG PARAMDAM SA INYO, AS IN IGOGHOST KO TALAGA KAYO PRAMIS". Tas nabigla ako at sabi ko "HOY PARA KA NAMANG WALA TAYONG PINAGSAMAHAN! GRABEH KA!!" tas sabi niya " BASTA DI TALAGA AKO MAGPAPARAMDAM SA INYO KASI AYAW KO LANG, KASI SUCCESSFUL KAYO TAS AKO HINDI. DYAN NA ATA AKO MAGPARAMDAM KUNG IKAKASAL NA AKO" tas sabi ko rin sa kanya "AWW SIGE KUNG DI RIN AKO PAPASA GANYAN RIN ANG GAGAWIN KO DI AKO MAGPARAMDAM SA INYO". at yun,, sa aming tatlo siya ang nakapasa at yung isang kaibigan ko at ako wala hahaha sakit pero okay lang. At yun ginawa ko rin yun sinabi nya. Hindi na talaga ako nagpaparamdam sa kanya. Kasi nung nagsabi siya ng ganun nasaktan ako kasi parang wala kaming pinagsamahan. Tas kung may problema siya nangdun kami para sa kanya. Parang wala lang sa kanya yung mga ginagawa namin para sa kanya. At ngayon palagi siyang nag message pero di ko sinagot. Alam ko mali yung ginawa ko ngayon kasi hindi ako nagparamdam pero yung mga sinabi niya ang sakit eh. Kung tunay ko siyang kaibigan di siya magsasalita ng ganun. Even if may failure sa aming tatlo walang ewanan dapat magtulongan pa rin pero nung nasabi niyang KAMI SUCCESSFUL SIYA HINDI,, parang may mali parang competition yung pagtingin niya sa amin. Okay lang maging competitive, basta huwag kalimutan na magkaibigan kami. Hindi yung takot siyang ma failed. Hindi naman karera ang buhay. Darating din ang para sa'yo sa tamang panahon diba. Sorry guys ang haba ng SHARE ko😅 nag vent out lang ako kasi wala talaga akong mashare.ran. Yun lang, SKL.

Viewed by 10 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.