Nanghiram ako ng 1k sa ate ko..
Pero wala din syang pera kasi nagpacheck up din sya. Sabi ko okay lang ate. Sabi nya 500 lang mapapahiram nya. Nag thank you ako kasi mapapahiram nya ko. After a while nagchat sya. Sabi nya, opinion nya lang naman pero kailangan ko na daw maghanap ng work para may sarili akong pera. A brief context lang. I'm a mom of 3, my eldest has autism. Yung 2 kids ko mag aaral na this year. Parehas hindi advise ng teachers nila na iwan sa school since public yung school and wala daw mag aassist sa mga teacher. I just resigned 1 year ago in my corpo job, since kailangan ko nga magfocus sa anak kong may autism para makahanap ng therapy center at ienroll din sya sa SPED school. I REALLY MISS MY CAREER but wala akong choice. Mas kailangan ako ng mga anak ko. Kaya nung mabasa ko yung chat ng ate, medyo may kurot lang sa puso. Ewan ko. Baka mali lang pagkakatake ko ng sinabi nya.. Meron din naman ako side hustle pero hindi ganun kalaki yung kita. I'm doing my best to be a mom and to earn my own money.. Mahirap lang sa ngayon yung sitwasyon pero I'm really doing my best.