QMy sister got mad at me
Required ba talaga mangmaliit ng tao kapag may utang na loob sa kanila? My husband cheated on me at pangalawa na itong nangyari, this time I choose not to tell my parents and siblings about sa mga nangyari, but my younger sister found out na nagloko yung husband ko at sinabi n'ya ito sa mga ate namin, sa gc n'ya ito sinabi kaya nag message din ako na "bakit mo sinabi?", halo-halong reaction at opinion ang ibinigay nila, yung isa kong ate tinawanan n'ya lang yung situation ko, sabi n'ya pang batang issue lang naman daw yon, hindi naman daw sakin naikot ang problema,may mga problema rin naman daw sila, nagtanong naman ang isa kong ate kung alam na daw ng in-laws ko, puro "hahahahakdog" ang sinasabi nung isa kong ate kaya naman napikon ako at hindi ko napigilang sumagot sa kanya, nagalit s'ya sakin at sinumbatan ako, wala daw akong karapatang sagutin s'ya, wala daw akong utang na loob, sinabi n'yang ang arte ko daw na patola daw ako, s'ya daw halos nagpakahirap sa panganganak ko, na eto daw yung landas na pinili ko kaya wag daw ako iiyak iyak, ayusin ko daw muna pamilya ko bago ko daw isipin na bumawi sa kanila, wala pa daw akong nararating at napapatunayan, may point naman s'ya, kaso sobra yung mga pinag gagawa n'ya, ang sabi pa nung isa kong ate, kahit baliktarin daw ang mundo dapat parin daw galangin ang nakakatanda, ang sabi ko nalang sa isip ko, diba dapat ine-earn ang respeto? sa tingin n'yo guys? kung kayo ba nasa sitwasyon ko ano ang gagawin n'yo? pano n'yo ihahandle?