I'm a mom of 3 kids. My eldest has autism
I've looking for a private community where I can post freely na walang makakakilala sakin. Good thing I found this app. I just want to let this out. Ang hirap mamuhay sa pinas. My husband is working in BPO industry earning 24k a month. Lagi kami nasoshort. We are living in my mom's house. Free rent pero we are paying bills(electricity, water, lpg) pati budget for food kami gumagastos. Kasama namin sa bahay yung dalawa kong kapatid, yung isa wfh pero hindi ganun kalaki yung kita. Yung isa naman walang work, literal na tambay. Tutulog ng late gigising ng late. Nahihiya ako sa asawa ko kasi sya lahat umaako ng lahat. Ilang beses ko na kinausap yung mama ko na baka pwede yung isa kong kapatid na walang work, dun muna sa iba kong kapatid para mabawasan lang yung gastos. Pero syempre bahay nya to, wala kaming say. Kaya ako nagsaside hustle. Benta benta pero maliit lang din ang kita. Hindi ako makapag full time work since di ko maiwan mga kids ko at ayaw din ng asawa ko. I want to look for a wfh job or side hustle na may decent salary. Yung pwede sana kahit pang gabi ko gawin since 2 kids ko ang mag school na. Hindi ko pa mapatherapy yung anak ko since kinukulang kami palagi. Hoping sana may makatulong sakin.