1000093592.jpg
Free Talk

Healthy na hindi healthy

Sino ba naman ang hindi mapapakapit sa comfort food kapag sinalubong ka ng hindi magandang balita? Emergency cortisol reversal talaga ang kailangan ng sistema ko, walang makakapigil doon. Pumaparaan para sa mental health, ika nga! 😉 Confirmed na talaga na hypothyroidism na ito.. Araguy! Mapapa-hala, forever na ’to?" Isipin mo, lifelong commitment sa tableta araw-araw? Mas matagal pa sa pinakamatagal mong relasyon! 🤦‍♀️🙊 Parang nagka-instant jowa na hindi pwedeng i-ghost. 🫨 ​ Hep hep! hingang malalim muna. Isipin ko na lang na ’yang maintenance pill na ’yan, hindi siya parusa—siya yung magiging bagong superhero ng katawan ko. Kasi si thyroid, medyo nagre-retire na sa trabaho niya, kaya yung tableta lang ang magpupuno ng kulang para hindi ako laging pagod, nilalamig, o stressed. ​Sabi nga nila, kapag may sinarang pinto, may bubuksan na bagong botelya ng gamot. Charot! Pero kidding aside, kayang-kaya ko ito! Normal lang naman na mag-adjust muna ang emosyon ko ngayon. ​ Kaya kung napakain man ako. gayon para i-preno ang stress, i-enjoy ko na lang bawat subo. Deserve ko ang yakap (at masarap na pagkain) ngayong araw. ​Kaya mo ’yan, self! Cheers sa bagong yugto ng pagiging disiplinado (kahit medyo labag sa loob natin minsan, cge,I-psyche ko pa ang aking sarili))!

Viewed by 6 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.