Free Talk

My almost donut theory.

Hindi ako sure if tama yung term haha. Nakita ko lang yung viral TikTok na nakipag-break siya kasi hindi siya nabilhan ng donut ng partner niya. Hindi ko magawang husgahan si ate sa ginawa niya, kasi may mga pagkakataon talagang sa maliliit na bagay tayo napapagod. Minsan, maliit na bagay para sa ibang tao pero malaking bagay para sa atin. Back to me, I almost gave up on the person I love the most dahil lang sa band aid. It was May 1. Pareho kaming walang pasok, pero may family outing kami ng May 2–3, so naisipan kong maglaba at mag-prepare ng mga gamit na dadalhin namin. Nilagay ko na yung last batch ng clothes sa dryer, then umakyat ako sa kwarto para ayusin yung bag na gagamitin namin habang siya, hinayaan ko lang maglaro sa phone niya. (Hindi siya nagko-computer kasi offline mga kalaro niya.) Habang nag-aayos ako, may something na nakasugat sa kamay ko. As in, dumugo siya nang malala. I hurriedly asked him to buy me a band aid. Saglit niyang inalis yung attention niya sa phone para tingnan yung sugat ko at tanungin kung anong nangyari, tapos bumalik ulit siya sa pagpo-phone. That time, medyo na-hurt ako. Hindi dahil sa sugat, kundi dahil sa actions niya. Sinabi niya na hugasan ko raw muna sa baba bago lagyan ng band aid, which I did, kaya akala ko bibili na siya. Pero hindi pa rin. Hanggang sa nakita kong tapos na yung clothes sa dryer, kumuha muna ako ng tissue at nilagay sa sugat para hindi magkalat yung dugo, tapos kinuha ko yung clothes para isampay. After ko magsampay, tinuloy ko pag-aayos ng gamit namin habang naghahanap na rin ako ng band aid, baka kasi may natago pa ako somewhere, pero wala talaga. Nag-try ulit akong makisuyo sa kanya, pero puro “patingin” at “di na ata dudugo ’yan” yung sagot niya. Hanggang sa medyo nagka-attitude na ako. Sabi niya, “Maligo ka muna, bibilhan kita.” Umasa ako na may band aid na paglabas ko ng banyo kasi tuloy-tuloy pa rin yung dugo. Pero paglabas ko, nakahiga pa rin siya habang nagpo-phone, kaya ako na mismo yung bumili ng band aid ko. Pagbalik ko, naabutan ko siyang nagsusuot ng t-shirt kasi bibili na raw siya. I said, “I already did. Hindi na kailangan.” That time, alam kong marami siyang nagawa at naisacrifice para sa relationship namin, pero naisip ko pa rin na baka hindi niya naman talaga ako mahal. I only asked for a band aid. Ilang beses ko rin siyang binigyan ng chance na bilhan ako, pero ending, ako pa rin yung bumili. I loved him. That is why I stayed.

  • Relationship
  • Marriage
  • Couple
Viewed by 9 people
Comment 1
No comments yet. Be the first to share your thoughts.