GBF
Hi guys, I just want to rant kasi sad na naman ako. So yung bf ko may GBF, very close talaga sila noon pa kasi magkapitbahay lang sila. Nung naging kami na, sinabi ko naman sa kanya na ayaw ko na masyado silang close, so ginawa niya, binlock niya siya sa FB and in-unfollow sa IG which really made me feel good kasi alam ko na he really loves me. Pero may mga times pa rin na nagkakasama sila, like nung Simbang Gabi. Nagsimba sila pero tatlo sila nun. I remember na umiyak talaga ako that night kasi gusto ko rin siyang makasama pero wala, hindi niya ako mapuntahan dito. Napag-usapan na namin yun and sinabi ko talaga sa kanya na sobrang naiinis and nagseselos ako about doon, and okay naman kami after that. Pero ngayon, habang chine-check ko IG following niya, nakita ko na naka-follow na naman siya sa second account ng GBF niya. Like, boy, kala ko ba lalayuan mo na? So nag-deactivate na naman ako ng lahat ng social media ko kasi feeling ko wala rin naman akong magagawa pag nagtatampo ako. Gusto ko umiyak right now pero hindi ko magawa kasi baka makita ako ng mama ko at tanungin pa ako kung ano nangyari, nakakahiya haha. #tanginangyan