IMG_1909.jpeg
Free Talk

Meron akong chika 👛

Meron preloved shop sa baba ng condo ko tapos lagi ako pumunta don pag may bago incase may magustuhan ako. Yung ibang bags fake, yung iba orig. Honest naman sila kung alin yung orig. Nakita ko tong Chanel Handle Large 2015 release. Unang hawak ko palang alam ko nang orig to. Alam ko rin na nasa 350k+ yung second hand value neto. So sabi ko kay ate, "bakit mo binebenta ng 45k?". Sabi niya kasi walang certificate of authentication. Sabi ko. e bat hindi mo ipa authenticate para mabenta mo ng mataas? Sabi niya kasi naparepair na daw niya yung stitching once and usually bawal na magpagawa ng certification pag ganon. Btw may kasamang authentication card yung bag and yung serial number ay matched dun sa serial number label na nakatahi sa loob ng bag. Binili ko siya kasi sure ako orig to. Marunong ako tumingin pero di ako expert. Dumeretso ako agad sa isang well known Chanel reseller sa BGC para ipa authenticate. Di ko na babanggitin yung pangalan pero dito bumibili mga artista. Pag dating ko palang dun manghang mangha na sila sa bag. Yung Chanel expert nila yung nag inspect nung bag. Tinignan niya every detail nung bag at inamoy amoy pa niya. After a few minutes sabi niya, "hindi ko masabi if orig siya o fake..." HA?! Araw araw ka humahawak at nagbebenta ng Chanel bags sa mga milyonaryo tapos di mo masabi? In the end sabi niya mabebenta ko lang daw ito if matatanggal ko yung strong smell sa loob ng bag (amoy closet), and if mapapaayos ko yung knob/lock (hindi na siya snappy). Feel ko nanalo ako sa loto. 💀

Viewed by 13 people
Comments 3
No comments yet. Be the first to share your thoughts.