Napanood niyo na ba yung viral video? 😭
Viral ngayon yung video ng isang batang around 4 years old na binubugbog ng partner ng mama niya. Hindi ko talaga natapos panoorin kasi sobrang bigat sa puso at sobrang nakakaawa yung bata. Isipin mo, bata pa lang siya tapos ganun na yung nararanasan niya mula sa taong dapat sana nagbibigay ng pagmamahal. Sana maging maingat sa pagpili ng partner lalo na kung may batang involved. Hindi sapat na mabait lang siya o mahal ka niya. Importante rin na marunong siyang magmahal ng bata, may respeto, may pasensya at kayang magbigay ng safe na environment para sa anak mo. Kasi ang totoong partner, hindi magiging dahilan ng trauma ng isang bata. Dapat siya yung magiging kakampi at magpaparamdam ng pagmamahal, hindi takot. Sobrang sakit makakita ng batang walang kalaban-laban na nakakaranas ng ganito. Sana mas piliin nating protektahan ang peace, safety at emotional well-being ng mga bata kaysa ipilit ang taong hindi naman deserving maging parte ng buhay nila. #RayoverTalk #ProtectOurChildren #ChildSafetyMatters #NoToChildAbuse #StandForChildren #ProtectTheInnocent #EveryChildDeservesSafety