Share Ko Lang... "Body shaming isn't funny"
Kahapon, may kasakay ako, isang babae. Nag uusap sila ni Manong Driver. May nakita kaming mga babaeng nagjojog papunta sila sa zumba dance. Tinanong sila ni Manong Driver "Sakay kayo mga Miss?" sabi nila "Hindi po, nag jojoging po kami" tapos sabi nung babae kasakay ko, "Ano bayan, nagjojoging mataba pa rin naman, walang epek yung ginawa nila" sabay tawa pa niya. So ako yung nainis sinagotan ko siyang "hindi naman po yan para sa pagpapayat, para rin po yan sa kalusugan nila" tas sabi naman rin niya sa akin "kalusugan? kita mo naman ang tataba parin nila, ba ka ang tatakaw nila sa pagkain" sabay tawa pa rin niya. At sabi ko rin sa kanya, "Te hindi madali yung pagpapayat, proseso yan it takes time" tas umiirap yung mata niya sa akin sabay tawa. Mga ganitong tao halata naman na walang respeto, insecure, marites at judgmental, or full package na sila sa pagiging judgemental na tao. Porke't nagjojog, kailangan rin ijudge yung katawan? ang pag jogging ay hindi lang siya sa pagpapayat, kundi sa pag improve ng lung capacity natin, nagpapalakas sa ating puso at sa ating mga buto, and good rin siya sa ating mental health. Oo kita ko na hindi sila payat pero atleast nakaya nilang mag jog or mag zumba ng isang araw. Ang dapat niyang ifocus ay yung ugali niya hindi sa ibang katawan ng tao. Hindi katawan ng mga babae ang problema kundi yung ugali ni ate, jusko hahaha. At kung wala man lang siyang magandang sasabihin, manamihik nalang. And lastly, kung puro man lang ang pang jujudge yung magawa niya, ang lungkot naman ng buhay niya. Women deserve respect, hindi body shaming. SKL
- bodyshaming
- respect