Share Ko Lang... "Toxic relatives"
Naniniwala ako sa kasabihan na kung wala kang marating sa buhay mo or hindi ka successful sa buhay mo, sila yung hihila sayo pababa. Kung successful ka at may narating ka sa buhay mo, dyan na sila lalapit sayo at humingi ng tulong. Noong bata pa ako wala pa akong realization na ganyan pala sila ka lala at ngayon adult na ako, gusto ko ng tuparin yung mga pangarap ko pero sila yung hihila sayo pababa. At ngayon nagkaka bf na ako nasa adult na yung age ko at yung bf ko nagbabakasyon lang dito sa amin for 1 month, pinakilala sa kanila pero palagi parin silang nagchichismisan na nag aasawa na ba ako, bat daw yung bf ko nandito pa rin mag isang buwan na, dito na ba titira yung bf ko sa amin, when daw ako mag tatrabaho at marami pang iba chismis na tungkol sa akin. Grabe may mga plano pa ako! pinapakilala ko pa yung bf ko sa kanila pero ganyan parin yung chismisan nila kung wala ako sa kanila HAHAHA. At yung mama ko pinaniwalaan pa niya yung mga marites kung relatives kaysa sa akin, ouch naman hahaha. Kaya ngayon na realize ko dapat iaahon ko yung buhay ko, kasi kung wala akong marating sa buhay ko at palagi lang akong mukmok sa kwarto ko sila yung mag iimbento ng kwento tungkol sa buhay ko. Oo wala akong ginawa sa kanila nirespeto ko sila kasi nga “matanda sila” pero yung pagtrato nila sa akin tas minamaliit pa ako na mag aasawa na daw ako kasi wala akong plano sa buhay grabe naman mama at papa ko nga di ako minamaliit tas ngayon sila ang may karapatang mag maliit sa akin. Di nila deserve yung “respeto” tbh, nakakainsulto sila. Atsaka hindi na ako bata para gawin nilang kwento, matanda na po ako at may alam na sa buhay. Hindi ko alam kung bat ganito yung mga relatives ko. Imbes magtulongan sa isa't isa, sila pa yung may ganang mang insulto. Sorry guys nag rant lang ako, morning na morning pa naman😭😅 ayaw ko sanang mag vent or rant pero ang bigat pala sa dibdib kung ayaw ko siyang ishare😭 umiyak pa ako kagabi nang dahil sa kanila. Pero thank you guys kung mabasa nyo po ito.
- Vent
- Toxic relatives