I just want to share and seek help too.
Panganay ako samin magkakapatid. noong nag aaral pa ako ng high school nagbenta ako ng mga sigarilyo, pati nadin saging sa mga driver para may maipambaon at pambayad sa recognition, graduation. namasukan din akong waiter at kahera habang nag aaral ng senior high school noon para mapag tapos ang sarili ko. mula 18 years old ako at nakatapos ng senior high school, alam kong hindi namin kakayanin ang tuition, hindi ako makakapag college. nagsikap ako na makahanap ng trabaho. gamit ang 500 pesos na natira kong ipon napunta ako kung saan saan sa paghahanap ng trabaho mula bulacan hanggang makarating ako ng Makati kung saan may lumapit saakin at nagtanong kung naghahanap ako ng trabaho, one day hiring at may free snacks daw. awa ng diyos nakapasok ako sa call center sa unang subok ko. ngunit dahil sa layo, at uwian ako sa bulacan.. talagang sa byahe nalang ako natutulog. 8 years na mula ng nagtrabaho ako sa call center. napag tapos ko na ng elementary ang bunso kong kapatid na lalake. napagtapos ko nadin ng junior high ang pangatlo kong kapatid na babae, senior high naman ang natapos ng pangalawa kong kapatid na babae. kahit wala akong naipon magaan ang loob ko na nakatulong ako sa mga magulang at mga kapatid ko. sa ngayon, problemado ako dahil hindi nakapasa ang kapatid ko sa BSU Malolos, doon lang kasi libre. kasalukuyan akong walang trabaho pero hindi sumusuko sa paghahanap para patuloy ko silang matustusan at mapag tapos. problemado din ako dahil ang pangatlo kong kapatid na katatapos lang ng junior high. pabalik balik sa doctor dahil laging hinihimatay. maging siya ay napapagod sa sitwasyon niya. awang awa man ako, wala akong magawa dahil sa ngayon ni magkano wala ako.. nung huli namin siyang pinatignan sa doctor, pinapakuha kami ng CT Scan at EEG kaso hindi namin afford. kaya hanggang ngayon nag titiis at nahihirapan padin ang kapatid ko. kung nag iisip kayo kung nasan ang mga magulang ko.. ang tatay ko ay tricycle driver ngunit dahil sa mahal ng gasulina nakapag uuwi nalang siya madalas ng halagang 50 to 100 pesos. ang mama ko naman ay on call labandera, taga hawan at kung ano ano pang sideline basta kaya niya.. mababait at masisipag ang mga magulang namin. sadyang hindi lang sasapat ang kita para tustusan ang anim na myembro ng pamilya. Nag sulat ako dito, nagbabakasakaling may mga tumulong saamin o kahit manlang sa mga kapatid ko ng walang pang babash o kung ano man. Salamat sa pagbabasa.