rayover_2026-05-15T01:17:53.763Z
Free Talk

Toxic relatives in law

Yung mukha nang junkyard ang likod ng bahay dahil sa mga kalat nila tpos yun dating kasambahay na napangasawa nung pinsan ni hubby at yun pinsan mismo ni hubby mahilig mag hoard.. palaging may uwi na mga nakuha sa basura bilang ang work ay driver ng truck basura. Ultimo itaas ng kisame namin ay mayroon silang nakatambak na recently lang nmin nalaman, syempre pinatanggal naman namin.. pero sa ibang kalat wala na lang din kami magawa kase nung naglagay kami ng halaman, yun uncle ni hubby nagalit bakit daw namin sinasakop, kahit sa MIL ko yun part na nilagyan namin ng halaman and kahit na yung halaman ay nasa paso at nakadikit sa pader ng bahay namin. Pinagbabasag ang mga paso saying common area daw yun. Palibhasa ay nauutusan nila yung nag asawang hoarder. Now sinakop na ng mga kalat yung buong likod pero walang maririnig na kahit ano sa kanila. Natatakor n sila ngayon dahil nagwawala pag nalalasing yun hoarder.  May sugalan na tuwing hapon, parang eksena na sa mga slum areas ang peg.. mabaho, amoy ihi at sigarilyo, hindi n kami nagbubukas ng backdoor.. maingay na parang nasa palengke na nagtatawaran,  sila sila na lang nagkakadayaan pa sa mga taya nila sa sugal. Tuwing weekend may videoke at inuman hanggang madaling araw. Kailangan yata pag mag videoke kailangan nakatapat sa bintana namin ang speaker. Winarla na ni husband at pinabarangay na namin pero pinaurong sa amin ang blotter for the sake of the tiya na mother nung hoarder sa sadly ay nag alaga sa husband ko. That's how they enable the wrong deeds. Sad lang now na wala na kmi magawa dahil ayaw na namin ng isyu. Ayaw nmin ng stress. Pero talagang mahirap pkisamahan ang mga toxic na kamag anak, yung may mga kinakampihan depende sa pangangailangan.. lalo in my case na di ako ang relative and makikiramdam lang ako palagi since c hubby ang kamag anak and ayoko na sya mapasama lalo if may sasabihin o gagawin ako. Thanks for letting me vent out. Puyat po kagabi dahil sa work and nagising sa lakas ng videoke ng neighbors na squammy.

Viewed by 10 people
Comments 4
No comments yet. Be the first to share your thoughts.