Free Talk

Nangyayari din ba 'to sayo?

Bakit kaya ganun lagi na lang ung pag may hack or idea ako na-ishare sa friend or family na ikina-impressed naman nila at nagustuhan nila kaya they put it into practice at ina-apply nila sa buhay nila, tapos paglipas ng panahon maiku-kwento nila un sa akin na para bang sa kanila nanggaling ung idea. Na para bang hindi ako ung nagturo sa kanila hahaha. Nagsasawa na lng ako minsan magreply na "diba ako nga nagturo sa iyo nyan?" Madalas ito mangyari sa akin, sa iba-ibang set of people. Naiisip ko tuloy, ganun ba ako hindi kaimportante para hindi man lng ako tumatak sa utak nila? If they liked my idea bakit hindi ako ang naa-associate nila duon? Na para bang napaka wala kong impact na tao. I don't feel seen or valued 😭😞

Viewed by 7 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore