1000052892.jpg
1000052894.jpg
1000052896.jpg
1000052898.jpg
1000052900.jpg
1/5
Free Talk

Secret Confession #9

Hello po I can't bear to confess or post on my own directly sa circle so here's my story. Tatlong taon na ang nakalipas simula nung namatay si Papa, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong maramdaman. Tuwing lamay at anniversary ng pagkamatay niya, ang daming nagsasabi kung gaano siya kabuting tao, kung gaano siya naging mabuting ama. Pero tuwing naririnig ko ‘yun, parang gusto kong sumigaw. Kasi sa likod ng mga papuri nila, may isang madilim na sikretong ako lang ang nakakaalam at ako lang ang nakaranas. Rinape ako ng sarili kong tatay. Hindi ko naisumbong. Hindi ko alam kung paano. Natakot ako na baka walang maniwala, o baka masira ang pamilya namin. Hanggang sa dinala niya na sa hukay yung ginawa niya sa akin nang hindi man lang siya nakaranas ng hustisya o kahit man lang pagsisisi. Ngayon, heto ako, parang laging nakalutang. Minsan galit na galit ako kasi namatay siyang 'malinis' ang pangalan sa mata ng iba. Minsan naman, naawa ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko, habambuhay na akong nakakulong sa ginawa niya dahil wala na yung taong dapat managot. Nabaon na siya sa lupa, pero bakit pakiramdam ko, nabaon din ako kasama niya? Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba siya, o kung kailangan ko pa bang gawin ‘yun para lang makahinga ako. Ang hirap magluksa para sa taong naging dahilan ng pinakamalaking trauma sa buhay mo. -anonymous

  • S*xualAbuse
Viewed by 7 people
Comments 2
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore