Kwentong delight
I just wanna share something. Kanina habang pauwi ako galing market, nakita ko si nanay naglalako ng delight with her mini stroller. Kita ko kung paano siya nag struggle para ma ipush ung delight niya. Tbh, mahiyain akong tao. So di ko alam paano iapproach si nanay. Nakailang balik ako. Di ko alam kung paano mag open ng conversation and anong gagawin ko. So nung inapproach ko na siya at tinanong kung nagmeryenda na ba siya. Tinanong ko name niya. Si nanay ceny (di ko alam spelling) and sa Holy Ghost pa siya. Which is aakyat ka pa ng pagka taas taas. Sabi niya dun pa siya sa taas at nilalakad niya lang para magbenta. I remember my lola, namimiss ko na siya. Benta niya lang sa delight is 47 ung malaki. Sabi niya wala pa raw bumibili sa kaniya and buti inapproach ko siya. I originally planned to give 50 pesos kasi I only have 150 left na cash ko. Pero nung sinabi niyang wala pa siyang benta, bumili na ako ng isa para mabawasan and binigay ko sa kaniya sukli. Para kahit papaano makapagrest siya. After ko nun bumalik ako sa bahay and kumuha ng groceries (konti lang) hoping na maabutan ko siya. Sadly, di ko na siya naabutan and I don't know kung asan na siya. Guysss, if may makita man kayong mga nagbebenta sa mga gilid. Choose to buy from them. They sell not to become rich, but to survive. Kay nanay, Ingat ka palagi. Namimiss ko lola ko sakanya. Di po ako marunong mag story ng maayos. Just sharing.