Bombarded.
Ako yung tipo ng asawa na maalaga. Matyaga. Yung tipong kahit walang binibigay ang asawa nagi-stay. Kahit sinasabihan halos araw-araw na b*b* at walang kw*nta ay nananatili dahil mag-asawa kami at kasal kami. Nangako sa altar na magsasama sa hirap at ginhawa. Pero sugarol ang asawa ko, sobra. Pero masipag syang magtrabaho, yun nga lang. Kada natatalo sya mag-aaway kami, kasi pinagbubuntunan nya ako. palagi syang naka-ambang sakin na magreresign sya at ako na lang daw ang magtrabaho dahil pagod na pagod na sya at pabigat daw ako. Oo, aaminin ko housewife lang ako, pero hindi ako pabigat to the point na kahit wala syang binibigay nagagawan ko ng paraan na makabili kahit kaunting bigas, kaunting ulam o ibang pangangailangan nya dito sa bahay gaya ng mga personal hygiene at mga gamot nya minsan. Last month, may sakit sya... Halos mamatay matay na sya sa anxiety, nasa tabi nya ako at di ko sya iniwan. Sabi nya sa akin, gumaling lang sya magbabagong buhay na sya para maging maayos ang buhay namin. Pero last week he started again sa bisyo nya. Hanggang sa pinapautang nya na ako. And if di ko gagawin, halos di na naman makain ng aso yung maririnig ko mula sa kanya. Then kagabe, nagkamali ako ng pera na nahiram at nagkulang. Inaaway nya na naman ako ng malala, to the point na siraan na naman ng gamit at pinapalayas na naman ako. (Ganoon sya every time talo sya sa sugal) Kanina, pag-gising ko, pinaglutuan ko sya ng pagkain dahil alam ko na magtatrabaho sya. Ganoon naman palagi ang ginagawa ko, pero halos magpat*y*n na naman kami sa away. Sira na naman ng mgq gamit at pinapalayas na naman ako. Palagi na lang ganto, nakakabaliw na. Pero hindi sya palaging ganyan. Kapag may pera sya at walang problema, sobrang clingy, sobrang maalaga din sa akin. Panay ang halik at yakap. Pero yung mga salita nya, sobrang bombarding na. Sobrang nakaka-trauma na. I want to go home, pero pakiramdam ko hindi na ako belong sa bahay ng pamilya ko. Tapos mga isang araw, tatawagan nya na ako para bumalik dito sa bahay nya. Sa totoo lang, ayaw ko na sya balikan. Pero mahal na mahal ko sya e. Yung higpit ng yakap nya every night parang ayaw kase akong pakawalan.