Process ng VAWC 😓
Hi, ask ko lang sana kung paano yung process ng VAWC. May ka-live in kasi akong call center agent at nahuli ko siyang may karelasyon sa ka-work niya during their team building. Confirm na rin na may nangyari sa kanila. Sobrang sakit at grabe yung epekto sa mental health ko. Hindi lang ‘yon! kahit before pa nito, madalas na niya akong sinasaktan. Dumating na sa point na nanginginig na ako sa takot kapag nagagalit siya. Dito pa ako nakatira sa pamilya niya at mas masakit kasi parang tinotolerate lang nila yung ginagawa niya. Gusto ko nang umalis at tapusin ‘to pero aminado ako… mahal ko pa siya. Pero hindi ko na talaga kaya yung ginagawa niya sa akin. May nagsabi sa akin na ipa-VAWC ko na raw siya kasi sobra na. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko.