Free Talk

30 without direction.

I am 30, college graduate with degree & married for years. After I graduated, I worked sa ilang planta and small firms as an office staff. I resigned, I AWOL, kase I felt na sobrang toxic. At the age of 20 by that time. Sobrang late bloomer kase ako, knowledgeable pero di techy so ang nangyayare parang sinasabe sa workplace ko na "I'm B*b*" daw ganon. They laughing behind my back kase nga daw ganon. Tapos hanggang sa nagka-asawa na ko, magwo-work ganoon na naman ang pinaparamdam ng mga katrabaho or mga boss ko. Tas pag-uwe ko pa after work, akin lahat ng gawaing bahay. Pagsisilbihan pa yung asawa, tapos mag-aaway. Alam mo yung nakaka-drain tas kinabukasan papasok ka, nasa isip mo yung pagod mo. Yung away nyo, parang lalong di nagsisink-in sa utak ko yung mga ginagawa ko. Lalo din pinaparamdam sakin sa work na B*b* ako. Tapos sabayan pa ng mga workmates mo na nagpapalakas sa Boss. Kaya when that happened to me, ayaw ko na talagang may work. Kase ayaw ko ng mafeel na umiiyak dahil sa mga words behind my back. Pero kahit na umaalis ako sa mga work ko, nag-try ako maging agent ng kung anek anek, sinusubukan rin ko mag-business. Kase I really do love business, especially cooking. Kaso alam mo yung, nagbebenta ka. Nag po-post ka, may bumibili sayo pero pambawi puhunan lang. Walang masasabi na talagang may support. Magbebenta ako, once a week, tapos ang tubo minsan pinaka malaki na 300h ganoon. Though sobrang thankful ako. It's just that, sobrang lungkot ko lang ngayon kase nasa 30 na ako, pero ito ako... Nasa laylayan ng lipunan. Walang naniniwala, walang nagtitiwala. Habang yung mga kasabayan ko, may sari-sarili ng magagandang trabaho, magagandang negosyo at masayang pamilya. Eto ako, trenta na, pero walang direksyon ang buhay at di makatulong sa mga magulang. Di ko 'to gusto. Sobrang hina ko.

Viewed by 20 people
Comments 20
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore