Free Talk

horror story

anong nakakatakot na na-experience niyo sa buhay? ako nung bata pa ako (elementary), di ako makatulog non at gabi na tapos mahilig kasi ako mag balot ng kumot sa buong katawan hanggang ulo hahaha tapos di ako nagpapatay ng ilaw non sa kwarto tapos pag dilat ko may dalawang nakatayo sa may paa ko banda matanda na sila tapos di sila nagalaw nakatingin lang sila sa left side ko mukha silang abo na naging tao hahaha sobrang takot ko non di ako makahinga sa sobrang takot like legit 😭😭😭 ang ginawa ko non nagtaklob ako ulit ng kumot tas nilagyan ko rin unan tenga ko kasi baka bumulong sila sakin hahaha tapos lalo akong di nakahinga tapos nag pray ako non hanggang sa nakatulog na lang hahahaha di ko talaga to makalimutan kasi eto yung first time ko makakita ng ganon tapos di naman na naulit, im in my 20's na ngayon hahaha share niyo naman exp niyo!

Viewed by 3 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore