Hirap bumitaw...kahit mali
Hindi ako hirap bumitaw kasi mahal na mahal pa kita. Hirap akong bumitaw kasi may pinanghahawakan pa akong ako lang naman ang naniniwala. Mahal ko yung idea mo...yung version mo sa isip ko na sana naging totoo. Yung “baka magbago ka,” yung “baka this time, piliin mo na ako.” Kahit ilang beses mo nang pinakita kung sino ka talaga, ako pa rin ‘tong umaasang may mas better version ka na lalabas. Ang dami ko nang nailaan...oras, effort, pasensya, pagmamahal. Kaya ang hirap umalis kasi pakiramdam ko, sayang lahat. Pero deep inside, alam ko… mas lalo lang akong nalulugi habang tumatagal. Sanay na rin ako sa sakit na ikaw ang nagbibigay. Nakakatawa no? Mas natatakot pa ako sa buhay na wala ka kaysa sa buhay na paulit-ulit mo akong sinasaktan. At yung mga panahong okay ka? Yun yung kumakapit ako. Yung konting lambing, konting effort—ginagawa kong dahilan para mag-stay kahit mas marami yung pagkakataong hindi mo ako pinipili. Minsan naiisip ko, baka ako yung kulang. Baka kung mas nag-effort pa ako, mas nagtiis, mas inintindi ka… pipiliin mo rin ako ng buo. Pero nakakapagod na ipaglaban yung taong hindi naman ako ipinaglalaban. Ang totoo? Hindi ako hirap bumitaw dahil mahal pa kita. Hirap akong bumitaw kasi umaasa pa ako… sa isang bagay na baka hindi naman talaga darating. At siguro, darating din ako sa point na mapapagod ako. Yung tipong kahit mahal pa kita… pipiliin ko na sarili ko.