QPCOS
21F here. Sino po here may PCOS? but never gained weight? For context: Diagnosed since 2023 yet 2 times lang ako nakainom ng meds that time after missing my period for 7 months. From then on mas naging regular na ulit (still misses a month or two minsan pero di na umaabot ng 3 mos) Di kasi keri gastos, 93 yata presyo ng meds ko non per tab then parang dahil nga nagkaroon na ako, sa isip ng fam ko okay na ko. Now I am worried kasi malakas ako sa sweets. Pero mabilis ding bumaba sugar ko. Like there are times na hinihimatay ako sa baba ng sugar + stress na din. Hindi rin ako tumataba ng sobra. 1-2kg dagdag then bawas nanaman. Cycle lang siya. Nabobother din kasi ako dahil sabi sakin ng mga friends kong may PCOS din, magpa 2nd opinion daw ako. Since sila nga nag gain ng weight pero ako naman daw hindi. May nakakaranas po ba sa inyo dito ng same case sa akin?