Free Talk

Nag-post ako kanina sa IG na "living my best life" pero umii

Grabe no yung effort ko sa selfie kanina. Ilang angle, ilang filter, ilang try bago ko nahanap yung "okay na to." Caption pa na may emoji at grateful daw. Maraming nag-like. Maraming nag-comment na "ganda!" "sana all!" Sana all nga. Kasi pagkapost ko, binagsak ko yung phone sa kama at humiga na lang. Ang bigat. Di ko ma-explain. Parang iba yung tao sa post ko sa tao na nakahiga ngayon. May utang ako na di ko pa nababayaran. Yung sahod ko this month halos ubos na sa bills. Tapos nag-post pa ko na "treating myself" nung Sabado kasi nahihiya ako sa friends ko na alam lahat ng gastos. So kinain ko na lang yung budget for next week. Haha ang tanga. Pero sino ba naman mag-popost ng "guys brokeeee na ko" sa FB di ba? Ang daming judgmental. Ang daming chismosa. Pag nag-post ka ng malungkot, "attention seeker" ka. Pag nag-post ka ng masaya, "mayaman daw." Wala kang panalo. Ewan. Gusto ko lang sabihin na hindi ako okay ngayon. Ayun lang naman yun eh.

Viewed by 82 people
Comment 1
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore