5 years na ko sa BPO at wala akong pinagsisisihan
Napapagod. Minsan umiiyak sa CR ng office. May time na gusto ko na mag-resign habang nasa call pa ko haha. Pero pag tinignan ko yung 5 years ko... grabe, ang layo na pala. Nung pumasok ako sa BPO fresh grad pa ko. Wala akong alam. Training pa lang halos umalis na ko kasi ang hirap. Tapos first call ko literal na nanginginig kamay ko. Natatawa pa rin ako pag naalala ko yun. Ngayon nakapag-move out na ko. May sarili na kong kwarto, kahit maliit. Nakakapag-padala na sa nanay ko every month. Nakapag-ipon, konti lang, pero meron. May HMO, may SSS. Hindi glamorous pero akin to lahat. Nakakainis lang talaga pag sinasabi ko sa iba na sa BPO ako. Ganito yung reaction... "ah." Parang wala lang. Parang di legit. Eh di nila alam yung double shift, yung galit na customer sa 3AM, yung adjust ng body clock every month. Hindi nila alam yun. Hay. Basta. Alam ko naman na alam nyo rin to, mga ate na nandito. Kahirap pero kinakaya naman natin eh.
- bpo