Free Talk

Moving on

Recently ko lang nalaman ang tungkol sa NPD nung una akala ko lahat ng nakikita at napapanood kong mga revelations ng mga victims ay kilala nila ako i mean lahat ng mga signs na sinasabi nila ay nagtutugma sa mga naranasan ko sa Jowa ko. Totoo pala lahat ng yun. Ang nakakatawa pa may isang video na napanood ko kauna-unahang video na napanood ko tungkol sa NPD napaisip ako na "hindi kaya naging Jowa din sya ng Jowa ko? " 😅 imagine she described my Jowa as in the way that what I experienced from him. Simula nun nag umpisa na akong mag aral tungkol sa mga Narcissist. Minsan napapatanong ako bakit ngayon ko lang malaman ang tungkol sa katulad nila. Bakit nag sayang ako ng oras at panahon. Naghintay sa mga pangako na hindi naman talaga mangyayari. Biruin mo. Umabot ng decades ang paghihirap ko, ang paghihintay ko na baka magbago pa sya. Talagang wala pala silang pagba-bago. At hanggang ngayon paulit ulit pa rin ang cycle nila. May mga nabibiktima pa rin sya. Pero ako alam ko na kaya this time malinaw na sa akin ang lahat. Tumanda na lang kaming dalawa pero wala pa ring pagbabago paulit ulit lang. Sana sa journey kong ito ay tuloy tuloy na akong nakapag move on. At sana mas mapabilis ang pag heal na pinag dadaanan ko ngayon. Masakit kasi sayang yung panahon. Mahirap kasi Nami-miss mo yung dating ikaw. Na sa tingin ko mahihirapan na akong ibalik. Sabi nga ng doctor ko na..kaya mo yan! hindi madali kasi decades mong kasama ang taong katulad nila. Pero sa tuwing nami-miss mo yung taong yun ehhh isipin mo na hindi yung tao ang namimiss mo kundi yung cycle. Nasa system mo pa sya.. Nasa trauma bond ka pa... Pero lahat nang yan kinakaya ko. 2 months na akong nasa depresyon, anxiety, panic attack pero alam ko sa sarili ko na kaya ko na. Hi ako nga pala si Alexa V. 47 survivor ng Narcissist for 25 years diagnosed with PTSD. At ito ay bahagi lang kwento ng buhay ko. Sana lumawak ang kaalaman ng mga tao tungkol sa NPD. Nang sa ganun ay wala na silang mabiktima pa. Salamat😘💕

Viewed by 5 people
Comments 2
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore