Free Talk

Trauma: the last part

Maraming trauma ang pinalagpas mo kasi bulag ka sa katotohanan na hindi ka mahal ng isang Narcissist. Kailangan ka lang nya kasi kailangan nya ng energy mo. Kailangan nya ng validation mo na mas nakakataas sya sayo. Na mas magaling sya, na mas ka-mahal mahal sya kumpara sayo. Na sobrang taas ng tingin nya sa sarili nya. Ikaw lahat ang nagbibigay nun sa kanya, Minsan sa sobrang kalasingan nya sya pa nagmamaneho, muntik na kayo mahulog sa fly over. At ang pinaka nag bigay sayo ng trauma ay yung bumangga kayo sa pillar ng isang building. Kung hindi ka naka seat belt baka lumabas ka na sa wind shield ng kotse. Sa sobrang lakas, napa ihi ka na lang talaga sa takot. Sya parang wala lang, kasi sa may bandang part mo yung bumanga. Bumaba tumawag ng pulis para asikasuhin yung kotse nya. Ni hindi ka man lang tinanong kung nasaktan ka ba. Simula nun takot ka ng sumakay sa mga mabilis mag patakbo ng sasakyan pag pumapalo na sa 60 to 80 ang takbo naninigas ka na. . Minsan kahit sa mga taxi or jeep lalo na bus pag mabilis ang takbo pumapara ka at bababa kahit malayo pa ang pupuntahan mo. May takot ka na rin sa MRT or LRT. Ayaw mo ng sobrang dami ng tao. Nagpapanik ka na kapag punuan ang mga sasakyan. Nag ha-hiper ventelate ka na. Na dati hindi ka naman ganun. Lumabas lahat ng trauma mo ng hindi mo alam san nanggaling. Hanggang kapag ikaw na lang ang mag isa minsan sa bahay. Sobrang lungkot kasi nasanay ka sa gulo ng buhay kasama yung Narcissist. Kapag kasama mo ang isang Narcissist kahit anong luho o pera ang ibigay sayo hindi pera ang hinahanap mo sa kanila. Respeto, pagmamahal, at loyalty. Pero hindi nila kayang ibigay yun sayo kasi ikaw lahat nagbibigay nun sa kanila. Wag kang umasa na magbabago sila para sayo. (To be continued)

Viewed by 2 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore