Free Talk

Trauma pt. 5

Nakuwi ka ng bahay kasi binigyan ka ng pamasahe pauwi. As in pamasahe lang. Pag uwi mo kasunod mo na rin sya. Inabutan kang nag-iimpake ng mga gamit mo. Sabi mo "Suko na ako, di ko na kaya." Tanong nya "San ka pupunta? " Sagot mo " Kahit saan basta malayo sa'yo " Niyakap ka nagsosorry "hindi ko naman sinasadya na saktan ka... Ikaw kasi. Alam mo naman ganon ang ugali ko di ba ayoko naiistorbo ang tulog ko" Syempre sasagot ka na "Hindi naman ako, nag-ingay. Di ko kayo inistorbo. Saka ano yung nakita ko? " Ayan na defensive na sya nyan. "Ano ba nakita mo? Nakaupo lang ako haa. Kinakalmot ko lang yung Chan ko. Etc.. Etc. " "Wag ka gumawa ng eksena jan sa utak mo." "Di ka na nahiya kay ano.. Pinagbibintangan mo kami ng kung ano ano. " 'Ibalik mo na yang gamit mo at magluto ka na gutom na ako" Ohh di ba eksena talaga sa pelikula. Wala ka ng kontrol sa sarili mo. Sunod sunuran ka na lang talaga. Habang ikaw wala ka na sa sarili mo. Patuloy kang Minamanipula. Para kang "the walking dead" ganun. Wala ka ng energy para makipag away kasi nga di ka naman mananalo. Dadaanin mo na lang sa alak para lang makatulog ka. Maraming beses ka na nyang sinasaktan emotionally At PSYCHOLOGICALLY Pero wala ka ng lakas. At dumating ka na sa point na sumuko na pati utak mo wala ka na lang gustong gawin kundi mawala na sa mundong ibabaw. Overdose, nakaligtas ka.. Hiwa.. Nakaligtas ka, di mo alam kung ano ba talaga ang gusto sayo bakit inililigtas ka pa eh. Lagi mo sinasabi na sana hinayaan ka na lang mawala para tapos na pag hihirap mo. Pero hindi ganon kadali ang makatakas sa Narcissist. Grabe habang nakikita ka pala nilang nagkakaganyan lalo silang nabubuhayan. Parang yung suffering mo ang energy nila. Nagkaroon ka na rin ng trauma sa dagat kasi may one time na nag out of town kayo. Sinabi mo na may bagyong parating pero wala sya pake. Dumating ang bagyo , lakas ng hangin ang masaklap sa resort kayo nag check-in katabi ng dagat as in open water. Mga bandang 11pm malakas na ang hangin at ulan. Humahampas na yung tubig dagat sa may pool side ng resort malapit ka lang sa pool. Siguro ang layo ng kwarto nyo sa mismong shore ehh 300 meters. Sa lakas ng hangin pumapasok na yung tubig dagat sa pool, kaharap lang ng room nyo yung pool. Mataas na ang alon. Pinasok na yung room nyo ng tubig. Panic mode ka na! Ayan na yung nginig ng katawan mo. Habang ikaw natataranta sya pinagmamasdan ka lang at tinatawanan. Dun ko naramdaman yung nginig na pati spinal cord mo parang nag lock. Sobrang sakit ng likod mo. Hindi ka na makagalaw. Sinong hindi mababaliw diba. Simula noon may takot na ako sa dagat kahit sa shore. Kahit hanggang paa lang ang alon ng dagat nanginginig na ako. Samantalang dati gustong gusto mo yung dagat kahit pumagitna ka pa kasi marunong ka naman lumangoy. (Last part of traumatic event will be posted)

Viewed by 4 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore