Free Talk

Trauma pt. 4

Isa pinakamasakit na mararanasan mo ehh yung kaibigan mo pa ang nag betrayed sa'yo. Well technically kaibigan nya pa rin pala. Yung hindi ka magdududa kasi nga alam mo yung taste ng Jowa mo. Hindi sa pangmamaliit wala sa kalingkingan mo yung kaibigan nyo. Pero pinatulan nya. Kasi ang mga narcissist wala sila pakialam kung ano itsura mo. Basta naibibigay ang supply na kailangan nila ok na... Nung nalaman mo yun wala ka magawa kasi nga malayo ka na sa lahat. Halos di ka nakilala ng mga kaibigan mo at wala ka na rin pamilyang babalikan kasi ng mas inuna mo yung Narcissist mong Jowa. So ikaw kulong sa bahay dahil unti unti ka ng nilalamon ng insecurities mo dahil imagine pinagpalit ka na sa shonget. Anjan na yung tumataba ka na losyang ka na, Ayaw ka ng kasama sa labas kasi yung dating bewang mo na 25 naging 34 dahil sa taba. Kasama sa mga symptoms ng psychologically abusive relationship ang biglang pagpayat or di naman kaya ang pagtaba. Lagi kang bloated. Kahit hindi ka na kumakain dahil ayaw na tanggapin ng katawan mo yung mga pagkain. Sa tuwing kakain ka isusuka mo. Lalo na kapag di kayo ok. Nakailang kaibigan din ninyo ang pinatulan sya. Kasi nga mapera. Madali sa kanila ang kumuha ng supply. Sisilawin ka sa pera. May one time na kasama nyo yung kaibigan nyong babae check in sa hotel kasi nga walang power sa bahay nyo. Inuman kwentuhan kampante ka kasi nga tropa tropa kayo.Tapos nagring ang phone mo sinagot mo, yung isang bff mo naghahanap ng kausap kasi may problema. Pasok ka ng cr... Siguro mga 45 mins ka sa Cr. Langya na yan may nangyayari na pala sa labas. Pag labas mo kita mo jowa mo na nakabukas ang zipper at belt biglang upo sa chair.habang sinasara yung pants nya. Yung kaibigan nyong babae na kaupo sa bed. Biglang takbo sa cr at dumura ng alam nyo na. Lawakan nyo na lang imagination nyo kung ano ang nangyari. Di mo huli sa akto pero alam mo sa sarili mo kung ano ang nangyari. Bigla kang manginginig. Tanong mo bakit nakabukas ang zipper mo? Ang sagot "makati kasi dito" sabay turo sa Chan nya. Tapos sasabihin pa sayo na "bakit ano na naman ang nasa isip mo? " Nagiimbento ka na naman ng kwento " Sabay higa sa kama "tulog na tayo. Lasing na ako." Yung friend nyo dedma lang higa dun sa kabilang kama kasi two beds kinuha ehh. Lumabas ka na lang kwarto at gusto mo ng umuwi. Kaso wala kang pera. Kahit lakarin mo pauwi sa inyo mga 15km ang layo ng hotel. Andun ka sa lobby ng hotel ang daming tao. Ayaw mo naman may makakita sayo na umiiyak at baka makakuha ng atensyon. So ginawa mo dun ka fire exit umiyak ng umiyak ng umiyak. Hanggang mapagod ka umaga na balik ka ng room. Tulog pa sila. Dahan dahan kang naghahanap ng susi ng bahay nyo kasi desidido ka ng umuwi kahit maglakad ka pa. Ehh biglang nagising yung Jowa mo nakita ka namumugto mga mata mo. Biglang sumigaw ng pinakamalutong na mura. "Buaka n.. I.. Na ka!" Firstime mo sa tanang buhay mo marinig ang. Murang yon. Sabay sampal... Nabingi ka sa totoo lang. Medyo nahilo.. Biglang tayo nung kaibigan nyo hinawakan ka tapos inawat Jowa mo. "9@90 ka talaga, ilang beses ko sinabi sa'yo na kapag tulog ako ayoko iniistorbo ako! " "Hindi ka ba nakakaintindi V0v0 ka! Ibigay mo na nga yung susi ng bahay jan sa let-see na yan. " Akala ko sa pelikula lang nangyayari yung ganitong eksena! (Part 5 next)

Viewed by 3 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore